Mga deboto dagsa sa Quiapo Church ngayong unang Biyernes ng 2020

Dagsa ang mga deboto sa Quiapo Church ngayong unang Biyernes para sa taong 2020.

Puno ng mga deboto ang loob at labas ng simbahan dahilan para magsikip ang daloy ng mga sasakyan sa bahagi ng Quiapo sa Maynila.

Ayon sa MMDA Metrobase, apektado ng pagsisikip ng daloy ng traffic ang gma galing ng Espanya at patungo sa Quiapo at Taft Avenue area.

Hanggang sa labas kasi ng simbahan ay maraming nang tao para dumalo sa oras-oras na misa sa Quiapo Church na nagsimula alas 4:00 ng madaling araw kanina.

Read more...