Walong Filipino nurse sinagip sa isang clinic sa Tripoli
Sinagip ng mga tauhan ng embahada ng Pilipinas sa Libya ang walong Filipino nurse na naipit sa kaguluhan sa Tripoli.
Ayon kay Chargé d’Affaires Elmer Gato, nakatanggap ng tawag ang embahada mula sa nasabing mga nurse at humihingi ng tulong ang mga ito.
Naipit ang mga Pinoy sa isang clinic sa Tripoli sa kasagsagan ng matinding kaguluhan doon.
Sinabi ni Gato na may isang linggo na ring tuluy-tuloy ang palitan ng putok sa Tripoli.
Ligtas at maayos naman ang kondisyon ng mga Pinoy nurses nang sila ay datnan sa klinika.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.