Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Archdiocese of Cebu spokesperson Msgr. Joseph Tan, na may humihingi ng donasyon sa social media gamit ang pangalan ni Archbishop Palma.
Hinihingi anya ang donasyon para sa isang tabernakulo.
“Please circulate that Archbishop Palma is not asking donations for a tabernacle. This is a hoax circulating on social media. Thank you,” text message ni Msgr. Tan sa media, Huwebes ng gabi.
Ganito rin ang modus sa scam na gumagamit sa pangalan ni Bishop Dialogo.
Sa mensahe ng obispo, sinabi nitong may humihingi ng donasyon para sa tabernakulo na ilalagay sa Sorsogon Cathedral.
Ang pagsingaw ng modus ay ilang oras lang matapos ding magbabala ang Archdiocese of Manila ukol sa panloloko gamit ang pangalan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.
Nanghihingi naman ang scammer ng donasyon para sa despedida gifts sa Cardinal dahil nakatakda itong umalis ng bansa.
Pinapayuhan ang publiko na ipagbigay-alam sa simbahan kung nakatanggap ng mga ganitong mensahe.