Partial ban sa flavored e-cigarettes ipatutupad na sa US
Magpapatupad ng partial ban sa flavored e-cigarettes sa Estados Unidos.
Layunin nitong maiiwas ang mga kabataan sa paggamit ng vape.
Ayon sa US Food and Drug Administration, ang cartridge-based na e-cigarettes na may ibang flavors ay ituturing na ilegal kung wala itong otorisasyon mula sa gobyerno.
Tanging ang tobacco o menthol flavor lamang ang pahihintulutan.
Binigyan ng 30-araw ng FDA ang mga kumpanya para alisin sa merkado ang mga bawal na flavored e-cigarettes.
Ayon kay US Health Secretary Alex Azar, naeengganyo ang mga kabataan sa paggamit ng vape dahil sa alok na iba’t ibang flavor ng mga kumpanya.
Sa National Youth Tobacco Survey noong 2019 lumitaw na mahigit limang milyong middle at high school students ang gumagamit na e-cigarettes at isang milyon sa kanila ang regular o araw-araw na gumagamit nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.