AUV nasunog sa Quezon City

By Rhommel Balasbas January 03, 2020 - 05:33 AM

Nasunog ang isang AUV sa Polaris St., Brgy. UP Campus, Quezon City ngayong Biyernes (Jan. 3) madaling-araw.

Ayon sa baranggay, nagsimulang masunog ang sasakyan bandang alas-4:20.

Isang Cherry Crossover ang sasakyang nasunog na pagmamay-ari ng isang Thalia Tarnate.

Ayon kay Tarnate, posibleng ang isang lalaking araw-araw na nagsisiga malapit sa pinagpaparadahan ng kanyang sasakyan ang sanhi ng sunog.

Tumagal lamang ng limang minuto ang sunog ngunit lubhang natupok ang kanyang sasakyan.

Hawak ngayon ng baranggay ang lalaking sinasabing nagsiga malapit sa AUV.

Patuloy namang inaalam ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pinagmulan ng sunog.

TAGS: AUV, fire incident, inquirer, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, quezon city, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, UP Campus, AUV, fire incident, inquirer, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, quezon city, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, UP Campus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.