Tail-end of a cold front, ITCZ at Amihan magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa
Walang binabantayang sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa kasalukuyan.
Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, tail-end of a cold front, intertropical convergence zone (ITCZ) at northeast monsoon o Amihan ang weather systems na umiiral sa bansa sa ngayon.
Dahil sa Amihan, maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mahihinang pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, at Aurora.
Bunsod naman ng ITCZ, maulap na kalangitan na may kalat-kalat na panandaliang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang iiral sa Bicol Region, Eastern Visayas, Quezon, Marinduque, at Oriental Mindoro
Maulap na papawirin na may kasama ring kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa Davao Region, SOCCSKSARGEN, Maguindanao, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi bunsod naman ng ITCZ.
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa asahan ang maalinsangang panahon na may posibilidad lamang ng mga panandaliang buhos ng ulan.
Nakataas ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng:
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– Batanes
– Babuyan
– Calayan
– Cagayan
– Isabela
– Aurora
– Northern at eastern coast ng Polillo Islands
– Camarines Norte
– Northern coast ng Camarines Sur
– Eastern coast ng Sorsogon
– Northern at eastern coasts ng Catanduanes
– Northern at eastern Samar
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.