Duterte bibisita sa mga biktima ng lindol sa Davao del Sur ngayong araw

By Rhommel Balasbas January 03, 2020 - 04:40 AM

Presidential Photo

Bibisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga biktima ng lindol sa Davao del Sur ngayong araw.

Orihinal na nakatakda ang pagbisita kahapon, araw ng Huwebes.

Pero ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, masama ang pakiramdam ng pangulo kahapon kaya’t kailangan nitong magpahinga.

Pero giit ng kalihim, walang dapat ipag-alala at ordinaryo ang kondisyon ni Duterte gayong 74 anyos na ito.

Napagod umano ang presidente dahil sa dami ng ginawa nito sa Davao sa mga nakalipas na araw.

“Masama lang siguro pakiramdam eh ordinary lang yon… Ano lang iyon, ordinaryong masamang pakiramdam ng isang 74 years old,” ani Panelo.

Ayon kay Panelo, bibisita si Duterte sa mga bayan ng Malalag at Padada.

Hindi ito ang unang beses na nagkansela ng public engagement ang presidente bunsod ng isyu sa kalusugan.

Matatandaang nakaranas ng muscle spasm si Duterte noong nakaraang taon matapos ang maaksidente sa motorsiklo.

Umamin din ang presidente na mayroon siyang mga karamdaman tulad ng myasthenia gravis at Buerger’s disease.

TAGS: Davao del Sur quake victims, Malalag at Padada, Rodrigo Duterte, visit, Davao del Sur quake victims, Malalag at Padada, Rodrigo Duterte, visit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.