Ruta ng Traslacion ng Poong Nazareno binago

By Rhommel Balasbas January 03, 2020 - 02:02 AM

Kuha ni Rhommel Balasbas

May ipatutupad na pagbabago sa Traslacion ng Itim na Poong Nazareno ngayong January 9.

Sa pulong ng National Capital Region Police Office (NCRPO), Manila Police District (MPD) at pamunuan ng Basilika ng Quiapo araw ng Huwebes, napagdesisyunan na paikliin ang ruta ng prusisyon.

Ayon kay Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Basilika, sa Ayala Bridge na dadaan ang andas ng Nazareno.

Batay anya sa rekomendasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH), hindi pwedeng daanan ng napakalaking bilang ng mga deboto ang Jones Bridge, McArthur Bridge, at Quezon Bridge.

Nasa 300 metro ang mababawas sa ruta ng prusisyon kaya’t inaasahang mapapaaga ang pagbabalik ng imahen sa simbahan.

Ayon kay Fr. Badong, dadaan ang prusisyon sa mga sumusunod na kalsada:

– Quirino Grandstand
– Katigbak Road
– Padre Burgos Street
– Finance Road
– LRT Taft
– Ayala Bridge
– Palanca Street

Pagdating sa Globo de Oro Street ay susundin na ang orihinal na ruta ng purisyon.

Pananatilihin naman ang mga nakagisnang tradisyon sa Traslacion tulad ng dungaw ng Our Lady of Mt. Carmel at ang pagsampa ng mga deboto sa andas, paghahagis at pagpapahid ng panyo.

Una nang binalak ng pulisya na ipagbawal ang paghatak ng lubid at ang pagsampa sa andas.

Pero naniniwala ang simbahan na hindi pa handa ang mga deboto sa malaking pagbabagong ito.

Apela ni Badong sa mfa deboto ang pang-unawa at pakikiisa sa pagbabago sa ruta ng Traslacion upang maisagawa ang aktibidad ng mas may kabanalan.

Para kay NCRPO director Brig. Gen. Debold Sinas, malaking ang maitutulong ng maiksing ruta dahil ang mas mahaba ay may mas malaking tyansa ng banta sa seguridad.

TAGS: catholic church, Fr. Douglas Badong, Itim na Nazareno, largest Philippine procession, new Traslacion route, Poong Nazareno, Quiapo Church, Traslacion 2020, catholic church, Fr. Douglas Badong, Itim na Nazareno, largest Philippine procession, new Traslacion route, Poong Nazareno, Quiapo Church, Traslacion 2020

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.