Higit 70 bahay nasunog sa Cebu

By Rhommel Balasbas January 03, 2020 - 01:17 AM

Courtesy of Cebu Daily News

Natupok ng apoy ang hindi bababa sa 70 bahay sa Sitio Cepadul Uno at Dos ng Brgy. Duljo Fatima, Cebu City, Huwebes ng hapon.

Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) – Cebu City ground commander Senior Fire Inspector Arnel Abella, nagsimula ang sunog alas-4:35 sa bahay ng isang Judith Campaña sa Sitio Cepadul Uno.

Agad na kumalat sa dalawang sitio ang apoy dahil gawa ang mga bahay sa light materials at malakas na hangin.

Halos kalahating oras pa lang o ganap na 5:06 ng hapon ay itinaas sa ikaapat na alarma ang sunog.

Nakontrol ang sunog alas-5:55 ng hapon.

Maswerte namang walang nasugatan o namatay sa sunog maliban na lamang sa isang 16-anyos na babae na isinugod sa Cebu City Medical Center matapos mag-hyperventilate.

Aabot sa P150,000 ang pinsala sa ari-arian ng apoy at inaalam pa ang sanhi nito.

TAGS: Brgy. Duljo Fatima, Bureau of Fire Protection (BFP), Cebu City, Cebu City fire, fire razes 70 houses, Brgy. Duljo Fatima, Bureau of Fire Protection (BFP), Cebu City, Cebu City fire, fire razes 70 houses

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.