outbrain

Jollibee tatanggalin na ang Champ burger sa kanilang menu

By Rhommel Balasbas January 02, 2020 - 11:49 PM SHARE(S):

Inanunsyo ng Jollibee Foods Corp. Huwebes ng gabi ang nakatakdang pag-phase out o pag-alis sa kanilang iconic Champ burger.

Giit ng fast food chain, mayroon silang inihahandang mas malaking surpresa sa kanilang burgers line para sa ikasasaya ng customers.

Walang sinabi ang fast food chain kung kailan epektibo ang phase out ng Champ burger.

Kilala ang Champ burger dahil sa oversized beef patty nito.

Sa ngayon ay pinayuhan ng Jollibee ang kanilang customers na tangkilikin ang double patty Yumburgers na mayroong Regular, Cheesy at Cheesy Deluxe variants.

Bukas naman umano ang Jollibee sa muling pagbuhay sa Champ sa hinaharap dahil laging isinasailalim sa review ang kanilang product offerings upang maabot ang demands ng publiko.

TAGS: BUsiness, Champ burger, fast food, Jollibee Foods Corp., phase out, Yumburger, BUsiness, Champ burger, fast food, Jollibee Foods Corp., phase out, Yumburger

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.