Tumama ang magnitude 3.6 na lindol sa Surigao del Norte, Huwebes ng hapon.
Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 19 kilometers Northeast ng Burgos bandang 5:30 ng hapon.
May lalim ang lindol na 24 kilometers at tectonic ang dahilan.
Gayunman, walang napaulat na pinsala sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.