Ilang establisimiyento sa tapat ng FEU sa Maynila, nasunog

Photo grab from Manila PIO’s Twitter video

(UPDATED) Nasunog ang ilang establisimiyento sa Recto, Maynila Huwebes ng hapon.

Batay sa impormasyon ng Manila Public Information Office (PIO), sumiklab ang sunog sa commercial area sa tapat ng Far Eastern University (FEU) sa Morayta.

Itinaas na ang sunog sa ikalawang alarma.

Pinasok din ng mga bumbero na may breathing apparatus sa loob ng Lucky 13 Billboard and Restaurant sa Morayta.

Idineklara namang fire out pasado 5:00 ng hapon.

Read more...