Kampanya ng DOH vs paputok, naging matagumpay – Palasyo
Naging “relatively successful” ang ikinasang kampanya ng Department of Health (DOH) laban sa paputok sa nagdaang holiday season, ayon sa Palasyo ng Malakanyang.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ito ay dahil walang naitalang nasawi bunsod ng paputok.
Patunay din aniya dito ang mababang bilang ng napaulat na firework-related injuries sa buong bansa.
Samantala, sinabi ni Panelo na maaaring sertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang tuluyang pagbawalan ang lahat ng uri ng paputok sa bansa.
Ito ay matapos ihayag ni Health Sec. Francisco Duque III ang pagnanais ng total ban sa bansa.
Ani Panelo, nais talaga ng pangulo na ipatupad ang total ban ngunit mayroon aniyang nakikiusap na maari pang ma-regulate.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.