LOOK: Bilang ng otorisadong motorcycle taxi drivers (Jan. 2)
Nadagdagan pa ang bilang ng mga otorisadong drayber para sa motorcycle taxi pilot run.
Sa inilabas na datos ng Department of Transportation (DOTr) hanggang 10:00, Huwebes ng umaga (January 2, 2020), tanging ang ridesharing service company na Move It ang nadagdagan ang bilang ng riders.
Sa datos ng technical working group (TWG), umabot na sa 1,877 ang authorized riders ng Move It.
Samantala, nananatili naman ang bilang ng authorized riders ng mga sumusunod na kumpanya:
Angkas – 7,471
Joyride – 6,907
Maikokonsiderang otorisado ang isang drayber kung nakatugon ito sa documentary at regulatory requirements ng TWG kabilang ang full registration at pagdedeklara pangalan at contact numbers ng contracted riders.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.