Kasong perjury laban sa kanya, pinababasura ni Corona

By Ricky Brosas January 26, 2016 - 07:50 AM

CORONAHiniling ni dating Chief Justice Renato Corona Sa Sandiganbayan na ibasura ang kasong perjury Laban sa kanya.

Sa kanyang Motion to Quash na inihain sa Anti-graft Court Third Division, iginiit ni Corona na depektibo ang mga impormasyon sa kanyang asunto dahil Hindi naman napatunayan na sinadya niyang huwag ideklara ng tama ang kanyang Statement of Assets and Liabilities Networth o SALN.

Hindi rin umano siya maaring kasuhan ng pagsisinungaling sa pamamagitan ng sadyang pag-doktor sa kanyang SALN dahil inihain lamang naman niya ang naturang dokumento batay sa kanyang nalamanan.
Iginiit din ni Corona na protektado ng rule of bank confidentiality ang mga bank account na sinasabing hindi niya ideneklara sa kanyang SALN.

Dahil dito, Hindi umano iyon nangangahulugan na nagkaroon ng under declaration o misdeclaration si Corona sa kanyang SALN dahil lamang Hindi niya isiniwalat ang kanyang mga deposito sa bangko.

Pinahihintulutan din aniya siya sa ilalim ng Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Practices for Public Officials na itama ang anumang pagkakamali sa kanyang SALN.

Matatandaan na na-impeach si Corona noong 2012 dahil sa false declarations ng kanyang yaman sa kanyang Statement of Assets and Liabilities Net Worth.

Didinggin ang kasong perjury ni Corona sa Anti-graft Court ngayong araw na ito.

TAGS: former chief justice renato corona, former chief justice renato corona

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.