Daloy ng traffic sa NLEX at SLEX nananatiling maluwag

By Dona Dominguez-Cargullo January 02, 2020 - 10:37 AM

Good news sa mga motorista!

Bagaman balik-trabaho na ngayong araw ay nananatiling maluwag ang mga pangunahing lansangan .

Sa North Luzon Expressway, simula kaninang madaling araw hanggang sa mga oras na ito, ay maluwag ang daloy ng traffic.

Kabilang dito ang mga toll plaza na kadalasang tukod ang mga sasakyan sa Bocaue, Balintawak at Mindanao.

Ganito rin ang sitwasyon sa South Luzon Expressway at Skway.

Light traffic sa northbound at southbound ng SLEX at Skyway simula madaling araw hanggang ngayong oras.

Light hanggang moderate lang din ang sitwasyon ng traffic sa EDSA at C5.

Ngayong weekend inaasahang magsisimulang dumagsa pabalik ng Metro Manila ang mga nagbakasyon sa kani-kanilang lalawigan.

TAGS: Breaking News in the Philippines, C5, edsa, Inquirer News, light traffic, NLEX, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, SLex, Tagalog breaking news, tagalog news website, traffic situation, Breaking News in the Philippines, C5, edsa, Inquirer News, light traffic, NLEX, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, SLex, Tagalog breaking news, tagalog news website, traffic situation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.