Accidental firing at hindi indiscriminate firing ang naitala sa Iguig, Cagayan noong New Year’s eve

Walang insidente ng indiscriminate firing sa lalawigan ng Cagayan nitong nagdaang pagsalubong sa Bagong Taon.

Paglilinaw ito ng Cagayan Police Provincial Office matapos unang napaulat na isang residente ng Iguig ang tumawag sa himpilan ng pulis para ipabatid na may nagpaputok ng baril sa kanilang lugar noong gabi ng December 31 na ikinasugat ng isang babae.

Ayon sa kay Police Lt. Col. Augusto Bayubay, Deputy Provincial Director for Operations ng Cagayan, accidental firing ang nangyari at hindi indiscriminate firing.

Nakilala ang biktima na si Kathleen Lauigan, 48 anyos habang ang aksidenteng nakapagpaputok ng baril ay ang kaniyang mister na si Arnold Lauigan, 50 anyos isang tricycle driver.

Nangyari ang insidente sa bahay ng mag-asawa sa Barangay Gammad habang naglilinis ng baril si Arnold.

Ipinatong umano nito ang baril sa lamesa nang bigla na lang itong pumutok dahilan para tamaan sab inti si Kathleen.

Agad namang naisugod sa Cagayan Valley Medical Center ang biktima.

Kusa namang sumuko ang kaniyang mister at inaming aksidenteng pumutok ang baril at tinamaan ang kaniyang misis.

Read more...