Mga negosyante sa Maynila pwedeng mag-renew ng business permit at licenses sa Mall
Nagtalaga ng one-stop shop ang Manila City government sa SM City Manila para sa mga negosyante sa lungsod na magre-renew ng business permits at licenses.
Mayroong 120 tauhan na nasa one-stop shop, 75 bagong computers, 20 printers at bagong servers para maserbisyuhan ang mga dadagsang magre-renew ng permits at lisensya ng kanilang negosyo.
Ayon kay Manila City Bureau of Permits chief Levi Facundo, ,ay available na 20 counters para sa license applications, 10 counters para sa cash payment, 15 counters para sa fire permit applications at 5 counters para sa releasing.
Kakayanin ayon kay Facundo na makapagproseso ng 2,000 transaksyon kada araw.
Ang one-stop shop sa SM Manila ay bukas Lunes hanggang Sabado mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.