24 na pasahero ng lumubog na bangka sa Cebu nailigtas ng coast guard
By Dona Dominguez-Cargullo January 02, 2020 - 09:03 AM
Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) District – Central Visayas ang 24 na pasahero ng isang motorbanca sa Naga City, Cebu.
Ito ay makaraang tumaob ang MB Poseidon 2 habang bumibiyahe sa karagatan ng Naga City.
Ayon sa coast guard, hinampas ng malakas na hangin at malalaking alon ang bangka dahilan para ito ay lumubog.
Ligtas naman ang lahat ng pasahero at nasa maayos silang kondisyon nang sila ay madala sa Naga Port, Cebu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.