Banta ng terorismo sa bansa nananatili ayon kay National Security Expert Prof. Rommel Banlaoi

By Dona Dominguez-Cargullo January 02, 2020 - 08:50 AM

Magandang indikasyon ang hindi na pagpapalawig pa ng martial law sa Mindanao.

Ayon kay National Security Expert Prof. Rommel Banlaoi, kailangan pang pag-aralan sa mga susunod na araw ang resulta ng lifting ng martial sa Mindanao.

Gayunman, magandang indikasyon aniya na hindi na ito napalawig pa dahil maibabalik sa normal ang sitwasyon at operasyon sa mga lokal na pamahalaan sa rehiyon.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Banlaoi na kaya namang harapin ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang banta ng terorismo sa Mindanao gamit ang kanilang pinaigting na intelligence gathering.

Pero aminado si Banlaoi na magpapatuloy ang banta ng terorismo sa bansa lalo pa at ang taktika na ngayon ng mga teroristang grupo ay ang gumamit ng juvenile suicide bombers.

Katunayan ani Banlaoi ang Indonesian couple suicide bomber na nasawi sa pagsabog sa Sulu ay mayroong tatlong anak na iniwan dito sa Pilipinas na nadoktrinahan na at sinanay na maging suicide bomber.

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, juvenile suicide bombers, Martial Law, Mindanao, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, suicide bomber, Tagalog breaking news, tagalog news website, Terrorism, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, juvenile suicide bombers, Martial Law, Mindanao, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, suicide bomber, Tagalog breaking news, tagalog news website, Terrorism

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.