Lola patay sa sunog sa Isabela City

By Dona Dominguez-Cargullo January 02, 2020 - 08:31 AM

Isang 90 anyos na lola ang nasawi sa sunog na sumiklab sa residential area sa Isabela City, Basilan.

Ayon sa Isabela City Disaster Risk Reduction and Management Office, pitong bahay ang natupok habang dalawa pa ang bahagyang nasunog sa Purok 7, Sunset Village sa lungsod.

Pasado ala 1:00 ng madaling araw ng Huwebes, Jan. 2 nang magsimula ang sunog.

Matapos maapula ay na-recover ang sunog nakatawan ng biktimang si Magdalena Garcia.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Fire Bureau, si Garcia na Malabo na ang mata ay nagsindi ng posporo at aksidenteng naitapon ito sa mga damit na labahin dahilan para sumiklab ang apoy at ma-trap siya sa bahay.

Maliban sa isang nasawi, dalawang residente pa ang nagtamo ng sugat at dinala sa ospital.

TAGS: Breaking News in the Philippines, fire incident, Inquirer News, Isabela City, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, sunog sa isabela, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, fire incident, Inquirer News, Isabela City, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, sunog sa isabela, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.