Mataas na popularidad ni Pangulong Duterte mapapanatili ngayong 2020

By Dona Dominguez-Cargullo January 02, 2020 - 08:12 AM

Napanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magandang ratings nito sa nakalipas na taong 2019 ayon sa political analyst na si Prof. Ramon Casiple.

Nakatulong ayon kay Casiple ang katatapos lang na 30th Southeast Asian Games na ginanap sa bansa na naging maayos ang proseso at marami ang tinanggap na papuri.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Casiple na malaki ang tsansa na mapapanatili ng pangulo ang mataas na trust at approval ratings nito ngayong 2020.

Maganda rin kasi ang pananaw ng taumbayan sa kanilang hinaharap ngayong taon, base sa mga naging resulta ng survey.

Naniniwala din si Casiple na hindi makaaapekto sa popularity ni Pangulong Duterte sakaling hindi na marenew ng tuluyan ang prankisa ng giant network na ABS-CBN.

Ayon kay Casiple wala naman sa mga kamay ng pangulo ang bola para sa renewal ng prangkisa kundi nasa kongreso.

TAGS: approval ratings, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, PH news, Philippine News, popularity, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Trust Ratings, approval ratings, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, PH news, Philippine News, popularity, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Trust Ratings

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.