9 ang patay pagbaha sa Indonesia

By Dona Dominguez-Cargullo January 02, 2020 - 07:59 AM

Nakaranas ng matinding pagbaha sa Jakarta, Indonesia.

Simula noong December 31, inuulan na ang Jakarta na nagresulta na sa matinding pagbaha at pagkawala ng suplay ng kuryente.

Ayon sa Jakarta disaster management agency, umabot na sa siyam na katao ang naitalang nasawi.

Mayroong nakuryente at mayroon ding nasawi dahil sa matinding lamig.

Sa ilang bahagi ng Jakarta ay umabot ng hanggang dibdib ang tubig-baha.

Tiantayang aabot sa 19,000 na residente na ang inilikas ayon kay Jakarta Gov. Anies Baswedan.

Ngayong araw ay nagsimula nang huminto ang pag-ulan kaya umaasa ang mga reisdente na bababa na ang tubig-baha.

TAGS: Breaking News in the Philippines, indonesia, Inquirer News, Jakarta, Jakarta Flood, massive flooding, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, indonesia, Inquirer News, Jakarta, Jakarta Flood, massive flooding, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.