Bilang ng mga pasaherong bumiyahe sa mga pantalan umabot sa halos 40,000

Maraming pasahero pa rin ang naitatalang bumibiyahe sa mga pantalan sa bansa.

Sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) mula alas 6:00 ng gabi ng Miyerkules (Jan. 1) hanggang alas 12:00 ng madaling araw kanina (Jan. 2) ay umabot sa 39,876 ang bilang ng mga pasaherong bumiyahe sa mga pantalan.

Pinakamaraming naitalang pasahero sa Central Visayas na umabot sa 14,021; sinundan ng Northern Mindanao – 6,943; at Southern Tagalog – 6,187.

Magpapatuloy ang pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa mga pantalan sa ilalim ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko ng Coast Guard.

Umaasa rin ang Coast Guard na mapapanatili ang zero maritime incident o casualty hanggang matapos ang holiday season.

Narito ang bilang mga pasaherong bumiyahe sa mga pantalan:

1. National Capital Region – 1,770
• Manila – 1,770

2. Central Visayas – 14,021
• Cebu – 10,496
• Eastern Bohol – 813
• Western Bohol – 1,701
• Southern Cebu – 1,011

3. South Western Mindanao – 724
• Basilan – 36
• Sulu – 688

4. Southern Tagalog – 6,187
• Batangas – 1,526
• Oriental Mindoro – 2,045
• Southern Quezon – 794
• Occidental Mindoro – 465
• Romblon – 992
• Northern Quezon – 365

5. Western Visayas – 1,661
• Aklan – 1,010
• Iloilo – 416

6. South Eastern Mindanao – 316
• Davao – 201
• Igacos – 115

7. Bicol – 2,580
• Sorsogon – 2,480
• Masbate – 100

8. Northern Mindanao – 6,943
• Surigao del Norte – 561
• Misamis Occidental – 1,692
• Lanao del Norte – 685
• Dinagat – 6
• Misamis Oriental – 868

9. Eastern Visayas – 2,932
• Western Leyte – 2,296
• Southern Leyte- 235
• Northern Samar – 401

10. Southern Visayas – 2,742
• Negros Oriental – 1,531
• Negros Occidental – 1,211

Read more...