DOH umaasang mapapanatili ang zero death sa firecracker related incidents

By Dona Dominguez-Cargullo January 02, 2020 - 06:59 AM

Umaasa ang Department of Health (DOH) na mapapanatili ang naitalang zero death hanggang sa matapos nila ang pagtatala nila ng firecracker related incidents.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III, walang naitalang insidente ng firecracker ingestion at sa ngayon wala pa ring naitatalang nasawi nang dahil sa indiscriminate firing sa pagsalubong sa 2020.

Umaasa si Duque na mapapanatili ito hanggang sa huling araw ng kanilang pagtatala ng mga nasugatan sa paputok sa January 6.

Umapela din si Duque sa mga mamamayan na manatiling maingat at linisin ng tama ng mga kalat na naiwan mula sa paputok o fireworks

Desidido rin si Duque na dapat ipagbawal na ang lahat ng uri ng paputok kasama na ang mga pailaw lamang gaya ng luces o fountain.

Ayon kay Duque, mapa-legal o ilegal na paputok o pailaw kasi ay nakapipinsala.

TAGS: Breaking News in the Philippines, department of health, Firecracker related incidents, Inquirer News, new year celebration, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, zero deaths, Breaking News in the Philippines, department of health, Firecracker related incidents, Inquirer News, new year celebration, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, zero deaths

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.