Grab car inararo ang concrete barrier sa EDSA – P. Tuazon, pasahero sugatan
Sugatan ang pasahero ng isang Grab car matapos mabangga sa concrete barrier sa EDSA northbound.
Ayon sa MMDA metrobase, inararo ng kotse ang hilera ng mga concrete barrier sa EDSA malapit sa P. Tuazon underpass.
Nangyari ang aksidente alas 5:29 ng umaga kanina (Jan. 2), kung saan nasugatan lulang pasahero nito.
Hindi rin agad naialis sa lugar ang naaksidenteng kotse.
Pero ayon sa MMDA, hindi naman ito gaanong nagdulot ng perwisyo sa daloy ng traffic sa northbound lane ng EDSA partikular ang mga patungo ng Cubao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.