James Reid at Nadine Lustre, hiwalay na nga ba?

Umugong ang hiwalayang Nadine Lustre at James Reid sa social media.

Unang lumabas ang balita sa isang entertainment website na nilisan na ni Nadine ang tinitirahan nila ni James.

Simula din buwan ng Oktubre, walang ibinabahaging larawan ang dalawa na sila ay magkasama.

At kamakailan, nag-post ng larawan si Nadine sa kaniyang Instagram na may caption na “for good reason, lost all of my love”.

Kapwa naman wala pang opisyal na pahayag ang kampo nina Nadine at James sa napabalitang hiwalayan.

Read more...