Certification mula sa Philippine Army para kay Marcelino, natanggap ng DOJ

By Ricky Brosas January 26, 2016 - 06:18 AM

Radyo Inquirer Photo
Radyo Inquirer Photo

Isang certification mula Philippine Army ang natanggap ng Department of Justice kaugnay kay Lt. Col. Ferdinand Marcelino, opisyal ng Philippine Marines at Dating Myembro ng Philippine Drug Enforcement Agency na naaresto sa isang drug bust operation sa Lungsod ng Maynila nuong nakaraang linggo.

Ang nasabing certification na may petsang January 22, 2014 ay galing sa Intelligence and Security Group ng Philippine Army.

Pirmado ang dokumento ni Col. Marlo Guloy.

Nakasaad sa certification na si Marcelino ay nagbahagi ng intelligence information sa Intelligence and Security Group ng Philippine Army mula Nobyembre hanggang Disyembre ng kasalukuyang taon kaugnay sa mga hinihinalang myembro ng Philippine Army na sangkot sa paggamit ng iligal na droga at iba pang mga aktibidad na may kinalaman sa iligal na droga.

Ito umano ay alinsunod sa direktiba ng General Headquarters sa AFP Task Force Moses at Philippine Army Task Group Midas.

Dalawang source naman ang nagkumpirma na ipinadala nga sa DOJ ang kopya ng nasabing dokumento at ito nga ay galing sa Philippine Army.

Matatandaan na nuong Byernes, nagpasya si Marcelino na magkaruon ng preliminary investigation sa kanyang kaso para magkaruon siya ng pagkakataon na makapagumite ng kontra salaysay at mga ebidensya na magpapatunay na lehitimo ang kanyang presensya sa sinasabing imbakan o laboratoryo ng iligal na droga sa Sta. Cruz, Maynila kung saan siya nadatnan at naaresto ng pinagsanib na pwersa ng PDEA at PNP-Anti Illegal Drugs Group.

TAGS: lt col ferdinand marcelino, lt col ferdinand marcelino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.