4 patay sa banggaan ng bus at traysikel sa Quezon

By Rhommel Balasbas January 02, 2020 - 05:03 AM

(UPDATE) Umakyat na sa apat ang nasawi sa salpukan ng bus at traysikel sa Candelaria, Quezon, Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Candelaria Police, pauwi ang magkakaanak na mga biktima galing sa isang reunion party nang mangyari ang insidente bandang alas-6:00 ng gabi

Dead-on-the-spot si Wilson Garma, drayber ng traysikel, at kanyang mga kamag-anak na sina Cristito Garma at apat na taong gulang na bata na si Althea.

Pasado alas-2:00 kaninang madaling-araw, binawian na rin ng buhay ang asawa ni Wilson na si Florilyn.

Binabagtas ng pampasaherong bus ng Lucena Lines Inc. ang southbound lane nang mabangga ang traysikel.

Walang nasaktan sa mga sakay ng bus.

Ayon sa drayber ng bus na hawak na ng pulisya, wala sa tamang linya ang traysikel at sumalubong ito sa kanyang sasakyan.

Posibleng maharap ang bus driver sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, physical injury at damage to property.

TAGS: bus - tricycle collision, candelaria, candelaria accident, Candelaria Police, Quezon, Vehicular accident, bus - tricycle collision, candelaria, candelaria accident, Candelaria Police, Quezon, Vehicular accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.