7 patay sa pagsalpok ng truck sa jeep sa Pampanga

By Rhommel Balasbas January 02, 2020 - 04:33 AM

Courtesy of Michellejoy Rivera Montemayor

Trahedya ang sinapit ng isang jeep matapos banggain ng isang pickup truck at salpukin ng isa pang dropside truck sa Lubao, Pampanga, Miyerkules ng gabi.

Naganap ang aksidente sa Abad Santos Avenue, Brgy. San Agustin, bandang alas-6:00 ng gabi.

Batay sa kuha ng CCTV, makikitang nawalan ng balanse ang jeep matapos banggain ng pickup at tumagilid patungo sa kabilang lane ng kalsada hanggang salpukin ng kasalubong na truck.

Patay ang pito katao kabilang ang isang bata.

Sakay ng jeep ang 22 pasahero at patungo sana ito sa bayan ng San Fernando.

Yuping-yupi ang jeep dahil sa lakas ng impact ng pagbangga.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa aksidente at hawak na nito ang driver ng pickup na nakilalang si Alexander Domingo.

TAGS: 7 dead, Lubao, Pampanga, vehicular accident involving jeep and trucks, 7 dead, Lubao, Pampanga, vehicular accident involving jeep and trucks

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.