Number coding para sa private vehicles balik na, suspendido pa rin para sa provincial buses

Mananatiling suspendido ngayong araw ang number coding para sa provincial buses.

Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA), ito ay dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong pabalik ng Metro Manila ngayong araw matapos ipagdiwang ang Kapaskuhan sa mga lalawigan.

Una rito, sinsupinde ang number coding para sa provincial buses noong December 23 hanggang 27, 30 hanggag 31 at January 1 hanggang 2.

Inaasahan ang mabigat na daloy ng trapiko ngayong Huwebes sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila lalo na sa kahabaan ng EDSA.

Samantala, epektibo na muli ang number coding para sa private vehicles.

Read more...