M3.3 na lindol naitala sa Davao del Sur

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang bahagi ng Davao del Sur alas-2:48 Huwebes ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay namataan sa layong 11 kilometro Timog-Kanluran ng bayan ng Sulop.

May lalim ang pagyanig na 26 kilometro at tectonic ang dahilan.

Naitala ang instrumental Intensity I sa Malungon, Sarangani at Tupi, South Cotabato.

Hindi nakapagtala ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...