Ngayong araw ay balik-opisina na ang mga nagbakasyon sa mga lalawigan.
Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa kanilang Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2019, mula alas-12:01 ng tanghali hanggang alas-6:00 ng gabi ng Miyerkules, umabot sa 52,839 ang bilang ng port passengers.
Pinakamarami ang sa Central Visayas (Cebu, Eastern Bohol, Western Bohol, Southern Cebu, Camotes) na umabot sa 10,004.
Sumunod ang South Eastern Mindanao (Davao, Gensan, Igacos) na may 7,956.
At marami-rami rin ang pasahero sa Southern Tagalog (Batangas, Oriental Mindoro, Southern Quezon, Occidental Mindoro, Romblon, Northern Quezon) na may 6,187.
Ayon sa PCG, katuwang sila ng pambansang gobyerno sa pagtiyak na maitatala ang zero maritime casualty o incident ngayong Christmas Season.
Pinayuhan ng PCG ang mga pasahero na maging mapagmatiyag sa lahat ng pagkakataon at sumunod sa safety at security measures sa lahat ng terminal at mga sasakyang pangdagat.
Hinihikayat ang mga pasahero na iulat ang presensya ng mag kahina-hinalang indibidwal.