Magnitude 3.3 na lindol, yumanig sa Sultan Kudarat

Tumama ang magnitude 3.3 na lindol sa Sultan Kudarat, Miyerkules ng hapon.

sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 12 kilometers Southeast ng Lutayan bandang 4:03 ng hapon.

May lalim ang lindol na 31 kilometers at tectonic ang dahilan.

Bunsod nito, naramdaman ang intensity 2 sa Bansalan, Davao del Sur

Instrumental Intensities naman ang naitala sa mga sumusunod na lugar:

Intensity 2:
– Kidapawan City

Intensity 1:
– Tupi & Koronadal, South Cotabato
– Malungon, Sarangani

Wala namang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...