Itutuloy ang kaso laban kay VP Binay

July 01, 2015 - 09:05 PM

jamias
Kuha ni Ruel Perez

Tiniyak ni PNP Officer-In-Charge Deputy Director General Leonardo Espina na maibibigay ang lahat ng tulong na kakailanganin ng mga pulis na nasangkot na kaguluhan sa Makati City.

Sinabi ni Espina na kabilang na rito ang serbisyo ng abogado na tutulong sa mga pulis sa pagsasampa ng mga ito ng mga kaso laban sa mga nanakit, nagbanta at nambastos kasama na si Vice President Jejomar Binay.

Ayon naman kay NCRPO Director Carmelo Valmoria, bumuo na sila ng Special Investigation Team na pinamumunuan ni Sr. Supt. Tomas Apolinario, ang Chief Directorial Staff ng Southern Police District para kolektahin ang lahat ng mga ebidensiya at testimoniya kabilang na ang mga video footage ng iba’t-ibang TV network.

Iginiit nito na nais nilang may konkretong basehan ang mga isasampa nilang kaso at hindi lang base sa mga haka-haka.

Sinabi pa ni Valmoria  na iginagalang naman nila ang pahayag ng kampo ni Binay na ang mga pulis ang nangunang nanakit ngunit makikita naman sa mga video footage ang katotohanan.

Miyerkules, iniharap sa media nina Espina at Valmoria sa Camp Crame ang mga pulis na nakasagupa ni Binay kabilang sina Sr. Supt. Elmer Jamias at Chief Insp. Gideon Ginez.

Samantala, inamin ni Jamias na labis siyang nadismaya nang magkaharap sila ni Vice President Jejomar Binay noong madaling araw ng Martes sa Makati City Hall compound.

Aniya, hindi niya inakalang lalaitin siya ng todo ni Binay dahil ang inaasahan niya ay sumusuporta ng husto ang Bise Presidente sa mga pulis.

Kaugnay nito, isang sulat ang inilabas ni Jamias na nagmula kay Binay na may petsang july 9 2009, na bumabati sa kanya matapos siyang hirangin bilang isa sa ‘Outstanding Manilan sa Criminal Justice System’ category.

Nang panahon na iyon, si Binay aniya ang Chairman ng MMDA at hiniling pa aniya nito na dumami pa ang katulad ni Jamias. / Jan Escosio

TAGS: binay, Makati, PNP, binay, Makati, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.