Pagsalubong ng Bagong Taon sa pangkalahatan, ‘generally peaceful’ – PNP

Generally peaceful ang tradisyunal na pagsalubong ng Bagong Taon sa pangkalahatan, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa inilabas na pahayag, ikinatuwa ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac ang pakikiisa ng publiko na umiwas sa paggamit ng paputok at pagpapaputok ng baril.

Base sa record ng PNP, sinabi ng opisyal na ang taong 2019 ang “safest” at “most uneventful observance” dahil walang nasawi sa kasagsagan ng Pasko at Bagong Taon.

Sa tala naman ng PNP Command Center, nasa kabuuang 324 holiday-incidents ang naitala sa buong bansa kabilang ang stray bullet at illegal discharge of firearms simula December 16, 2019.

Ani Banac, mas mababa ito kumpara sa naitalang 798 na kaso noong nakaraang taon.

Mayroong tatlong kaso ng stray bullet ngunit hindi nagresulta sa pagkasugat.

Nasa pito katao naman ang nasugatan bunsod ng 21 magkakahiwalay na kaso ng illegal discharge of firearms.

Nakapagtala rin ang pambansang pulisya ng 81 firecracker-related injuries kung saan karamihan ay lumabag sa firecracker ban.

Samantala, nasa 21 naman ang naaresto ng PNP dahil sa illegal discharge of firearms habang 44 sa paglabag sa firecracker-related offenses.

Read more...