Selebrasyon ng Bagong Taon sa mga kulungan, payapa – BJMP
Naging mapayapa ang pagsalubong ng Bagong Taon sa mga kulungan, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni BJMP Chief Jail Director Allan Iral na walang naitalang insidente sa loob ng mga piitan.
Kasabay nito, binati ni Iral ang mga jail officer na nagdiwang ng Bagong Taon sa mga kulungan para magbantay at tumugon sa pangangailangan ng persons deprived of liberty (PDL) at kani-kanilang bisita.
“I appreciate all your efforts of securing our facilities and attending to the need of the PDL and their visitors,” ani Iral.
Ipinag-utos sa lahat ng regional director ang pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa lahat ng piitan para maiwasan ang anumang hindi inaasahang insidente sa kasagsagan ng holiday season.
Itinaas pa ang lahat ng jail unit sa red alert status para matiyak ang kaayusan sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.