Bilang ng pasahero sa mga pantalan, umabot sa 48,000

Patuloy pa rin ang pagdagsa ng pasahero sa mga pantalan para humabol sa selebrasyon ng Bagong Taon.

Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), nakapagtala ng kabuuang 48,508 na outbound passengers sa mga pantalan.

Ito ay mula 6:00 ng umaga hanggang 12:01 ng tanghali, araw ng Miyerkules.

Pinakamaraming naitalang pasahero sa mga pantalan sa Central Visayas partikular sa Cebu, Eastern Bohol, Western Bohol, Southern Cebu at Camotes na may 13,156 na pasahero.

Sumunod dito ang Bicol region partikular sa Albay, Sorsogon, Masbate at Catanduanes na may 6,796 na pasahero.

Narito naman ang bilang ng pasahero sa iba pang lugar:
– National Capital Region – 331
– South Western Mindanao – 1,272
– Palawan – 3,083
– Southern Tagalog – 5,799
– Western Visayas – 4,660
– North Western Luzon – 1,108
– South Eastern Mindanao – 4,401
– Northern Mindanao – 3,507
– Eastern Visayas – 2,874
– North Eastern Luzon – 116
– Southern Visayas – 1,405

Kasabay ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2019, kaisa ang PCG sa gobyerno para manatiling zero maritime casualty o incident ngayong Christmas season.

Pinaalalahanan pa rin ang mga pasahero na manatiling alerto at sumunod sa mga panuntunan sa mga pantalan at sasakyang-pandagat.

Dapat ding anilang i-report ang mga kahina-hinalang indibidwal sa mga nakatalagang DOTr Malasakit Help Desk.

Read more...