DOH, nais magpatupad ng total ban sa mga paputok
Nais ng Department of Health (DOH) na ipagtupad ang pagbabawal sa lahat ng uri ng paputok.
Sa isang press conference, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ito ang solusyon para walang masugatan sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Legal o ilegal man ang paputok, iginiit ng kalihim na maaari pa rin itong makadisgrasya.
Base kasi aniya datos, mas maraming naitalang kaso ng firework-related injuries bunsod ng mga legal na paputok kumpara sa mga ipinagbabawal.
Pinakamaraming kaso ng pagkasugat ay bunsod ng kwitis.
Marami ring naitalang kaso firework-related injuries na bunsod ng luces, fountain, piccolo at baby rocket.
Sa huling tala ng kagawaran, umabot sa 164 ang bilang ng nasugatan mula December 21, 2019 hanggang January 1, 2020.
Mas mababa ito ng 35 porsyento kumpara sa kaparehong petsa noong nakaraang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.