Naitalang kaso ng fireworks related injury sa buong bansa umabot sa 164 – DOH
Umabot sa 164 ang bilang ng naitalang kaso ng fireworks related injury sa buong bansa.
Ang datos ay mula Dec. 21, 2019 hanggang umaga ng Jan. 1, 2020.
Ayon kay Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III, mas mababa ito kumpara sa 251 na kasong naitala sa parehong petsa noong nakaraang taon.
Karamihan sa mga nasugatan ay mula sa Metro Manila.
Sa kabila nito, bumaba din ang kaso ng firecracker related injuries sa Metro Manila ng 16 percent.
Pangunahing sanhi ng pagkasugat ay kwitis, lusis, fountain, piccolo at boga.
Inaasahang madaragdagan pa ang datos ng mga nasugatan dahil magpapatuloy ang pagtanggap ng DOH ng ulat mula sa mga pagamutan sa bansa hanggang sa January 6.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.