1 patay, 2 sugatan sa magkakahiwalay na insidente ng sunog sa Metro Manila sa pagsalubong sa Bagong Taon

By Dona Dominguez-Cargullo January 01, 2020 - 09:16 AM

Isa ang naitalang nasawi habang dalawng iba pa ang sugatan sa mga naganap na sunog sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa sunog sa Pasig Line sa Sta. Ana, Maynila ay nakapagtala ng dalawa sugatan.

Dalawa ang nasugatan sa naturang sunog na umabot sa Task Force Bravo bago naideklarang under control.

Sa Pasig City, 300 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog sa Barangay San Antonio.

Isa ang nasawi sa naturang sunog na umabot din sa Task Force Bravo ang alarma.

Nakapagtala din ng sunog sa Barangay Vasra sa Quezon City.

TAGS: 1 dead 2 injured, 2020, Fire Incidents, Inquirer News, manila, New Year, new year revelries, News in the Philippines, pasig, PH news, Philippine Breaking New, quezon city, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 1 dead 2 injured, 2020, Fire Incidents, Inquirer News, manila, New Year, new year revelries, News in the Philippines, pasig, PH news, Philippine Breaking New, quezon city, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.