21 arestado dahil sa pagpapaputok ng baril sa pagsalubong ng Bagong Taon

Umabot sa 21 ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa pagpapaputok ng baril sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa datos ng PNP, sinabi ni Spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac kabilang sa naaresto ay security guard, pulis at militar.

As of 6AM ng January 1, 2020 ay naaresto ang sumusunod mula sa iba’t ibang rehiyon:

PRO1 – 1
PRO2 – 1
PRO3 – 1
PRO4A – 2
PRO5 – 2
PRO6 – 1
PRO8 – 1
PRO9 – 1
PRO10 – 3
PRO11 – 2 (security guard)
PRO13 – 1 (PNP)
PROBAR – 2 (AFP)
NCRPO – 3

Read more...