Mahigit 70 naitalang sugatan sa paputok sa iba’t ibang ospital sa Metro Manila

File Photo

Umabot na sa mahigit 70 ang naitalang kaso ng firecracker-related injuries sa iba’t ibang pagamutan sa Metro Manila.

As of 4:05 ng umaga ng Miyerkules January 1, 2020, umabot na sa 27 ang kaso ng firecracker-related injuries sa Jose Reyes Medical Center.

Karamihan sa mga nabiktima ng paputok sa Jose Reyes Memorial Medical Center ay pawang menor de edad.

Kabilang sa nasugatan ang 15 katao na nagtamo ng sunog, 11 angs nagtamo ng eye injury at 1 ang naputukan at kinailangang putulan ng bahagi ng katawan.

17 sa mga biktima ay menor de edad at 10 ang nasa tamang gulang.

Labinganim naman ang naitalang nasugatan sa paputok sa iba pang ospital sa Maynila.

Habang sa Amang Rodriguez Hospital sa Marikina City ay nakapagtala na ng 12 sugatan.

Sa East Avenue Medical Center sa Quezon City, 18 na ang naitalang kaso ng firecracker related injuries.

Read more...