North Korean leader Kim Jong un nagbabala ng paggamit ng bagong strategic weapon
Sadyang pinababagal umano ni US President Donald Trump ang nuclear negotiations.
Akusasyon ito ni North Koreab leader Kim Jong un.
Kasabay nito sa pagpasok ng taong 2020 nagbabala si Kim na ipakikita nito sa mundo ang makabagong strategic weapons.
Sa ulat ng North Korean state media na KCNA, inihayag ni Kim ang babala sa apat na araw na conference ng ruling party na ginanap sa Pyongyang.
Sinabi doon ni Kim na hindi isusuko ng North Korea ang seguridad ng kanilang lugar para lamang sa economic benefits.
Ilang buwan na nasa standoff ang negosasyon ng US at Pyongyang tungkol sa denucleariazation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.