Sa datos ng BOC-NAIA, mula January hanggang December 2019, umabot sa 54.414 na kilo ng shabu ang kanilang nakumpiska.
Tinatayang aabot sa P370 million ang halaga ng mga ito.
Maliban sa shabu, nakakumpiska din ang BOC ng 4,152 na tabletas ng ecstasy sa NAIA na tinatayang aabot sa P8.6 million ang halaga.
May nakumpiska ring 78 piraso ng cartridges ng liquid marijuana na P805,000 ang halaga.
5.927 na kilos ng marijuana/kush weeds na P9.397 million ang halaga; 1.47 kilos ng cocaine na P7.8 million ang halaga; at P72,589 na tabletas ng valium na tinatayang aabot sa P1.572 million ang halaga.
Narito ang iba pang mga kontrabando na nakumpiska ng BOC sa NAIA sa nakalipas na taong 2019:
– 42,026 kilos ng meat products na walang permit
– 10 iba’t ibang uri ng baril
– 97 piraso ng smuggled gun parts
– 358 na piraso ng bala
– 2,525 na live species (wildlife, endangered species)