Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), nakapagtala ng kabuuang 53,056 na outbound passengers sa mga pantalan.
Ito ay mula 6:00 ng umaga hanggang 12:01 ng tanghali, araw ng Martes.
Pinakamaraming naitalang pasahero sa mga pantalan sa Western Visayas partikular sa Antique, Aklan, Iloilo at Guimaras na may 12,250 na pasahero.
Sumunod dito ang Central Visayas partikular sa Cebu, Eastern Bohol, Western Bohol, Southern Cebu at Camotes na may 7,378 na pasahero.
Narito naman ang bilang ng pasahero sa iba pang lugar:
– National Capital Region – 1,610
– South Western Mindanao – 3,014
– Palawan – 3,040
– Southern Tagalog – 5,741
– North Western Luzon – 1,108
– South Eastern Mindanao – 2,201
– Bicol – 4,263
– Northern Mindanao – 6,509
– Eastern Visayas – 2,536
– North Eastern Luzon – 283
– Southern Visayas – 3,123
Kasabay ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2019, kaisa ang PCG sa gobyerno para manatiling zero maritime casualty o incident ngayong Christmas season.
Pinaalalahanan pa rin ang mga pasahero na manatiling alerto at sumunod sa mga panuntunan sa mga pantalan at sasakyang-pandagat.
Dapat ding anilang i-report ang mga kahina-hinalang indibidwal sa mga nakatalagang DOTr Malasakit Help Desk.