Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang Sultan Kudarat, Martes ng hapon.
Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 13 kilometers Southeast ng Columbia bandang 5:25 ng hapon, Bisperas ng Bagong Taon.
May lalim ang lindol na 19 kilometers at tectonic ang dahilan.
Gayunman, walang napaulat na pinsala sa lugar.
Tiniyak din ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.