Sec. Duque, binisita ang isang ospital sa Maynila

By Angellic Jordan December 31, 2019 - 03:17 PM

Sa paghahanda sa pagsalubong ng Bagong Taon, binisita ni Health Secretary Francisco Duque III ang isang ospital sa Maynila.

Ito ay para matiyak na maayos ang isinagawang paghahanda sa Jose Reyes Memorial Medical Center sa pagsalubong ng taong 2020.

Ipinakita rin ng kalihim ang halimbawa kung paano tutugon sakaling mayroong masugatan o mabiktima ng paputok.

Patuloy naman ang paalala ng DOH ukol sa mga ipinagbabawal na paputok para maiwasang madisgrasya.

Sa huling tala ng kagawaran, hindi bababa sa 60 ang napaulat na nasugatan dahil sa paputok hanggang sa Bisperas ng Bagong Taon (December 31).

TAGS: firecracker ban 2020, Jose Reyes Memorial Medical Center, Sec. Francisco Duque III, firecracker ban 2020, Jose Reyes Memorial Medical Center, Sec. Francisco Duque III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.