Pangulong Duterte, nagbigay ng P10-M ayuda sa mga biktima ng lindol sa Davao del Sur

By Chona Yu December 31, 2019 - 02:16 PM

Presidential Photo

Personal na iniabot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P10 milyong ayuda sa provincial government ng Davao del Sur para sa mga biktima ng lindol.

Ayon sa pangulo, masakit sa damdamin na malaman na aabot sa 80,000 pamilya ang naapektuhan ng lindol sa Matanao, Davao del Sur.

Ayon sa pangulo, inatasan na niya ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan na madaliin ang pagkumpuni at rehabilitasyon sa mga nasirang bahay at imprastraktura para agad na makabalik sa normal na pamumuhay ang bawat isa sa lalong madaling panahon.

Ayon sa pangulo, patuloy niyang pagsusumikapan na mabigyan ng komportableng pamumuhay ang bawat Filipino.

Hinimok din ng pangulo ang publiko na maging positibo sa pagpasok sa Bagong Taon.

“Let us all look forward to the new year with renewed optimism and vigor as we all work together to guarantee an equitable and prosperous future for the Filipino people,” sinabi ng pangulo.

TAGS: Bansalan Davao del Sur, Davao del Sur, Matanao, Rodrigo Duterte, Bansalan Davao del Sur, Davao del Sur, Matanao, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.