Kabilang sa mga tips na inilabas ng DOH ay ang mga sumusunod:
1. Huwag bumili ng mga paputok
2. Huwag hayaan ang mga bata na maglaro ng paputok.
3. Lumayo sa mga taong gumagamit ng paputok.
4. Huwag pumulot ng mga ‘di sumabog na paputok.
5. Agad humingi ng tulong kapag naputukan.
Kung napunta sa mata:
1. Hugasan kaagad nang ‘di bababa sa 15 minuto.
2. Agad humingi ng tulong medikal.
Kung nalunok:
1. Huwag piliting sumuka.
2. Agad dalhin sa malapit na ospital.
Kung nalanghap:
1. Ilayo ang pasyente sa usok na dulot ng sumabog na paputok.
2. Siguraduhin na makakahinga ng mabuti ang pasyente.
3. Agad humingi ng tulong medikal.
Kung ang balat ay apektado:
1. Agad hugasan ang apektadong bahagi ng katawan gamit ang umaagos na tubig.
2. Agad tanggalin ang kontaminadong damit sa apektadong parte ng katawan.
3. Agad humingi ng tulong medikal.